PAGBATI SA IYO minamahal naming mambabasa!!! Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Ang mga Tekstong Impormatibo na iyong babasahin ay koleksyon ng ilan sa mga kagiliw-giliw at inaabangang Pista na idinaraos dito sa Pilipinas. Dito ay matutuklasan mo ang samut-saring impormasyon na makapaghahatid sa iyo ng kaalaman na maaari mong magamit sa iba't ibang paraan. Kaalaman na maaari mong maipamalas at ibahagi sa nagnanais na ito ay matutunan.
Ang mga pista at mga okasyon sa ating bansa, saan ba ito nagmula? Bakit nga ba ito pinagdiriwang ng madla? Saan at kailan ito isinasagawa? Ano ang kahalagahan nito sa ating kultural na paniniwala? Ito ang mga tanong na maaring mahanapan mo ng kasagutan sa pagbabasa ng mga teksto. Huwag ka sanang mahihiya na mag-iwan ng iyong mga komento kung nais mo. Tara at sama-sama nating alamin at balikan ang mga iilan sa kulturang regalo sa atin ng nakaraan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento