PIYESTA NG MGA NGITI ni Basil F. Radovan

 



MASSKARA FESTIVAL







     Tuwing ikatlong linggo ng Oktubre ang mga Bacoleño ay nagdiriwang ng Masskara Festival. Ito ay dinarayo pa ng iba’t ibang tao, upang maranasan ang kasiya - siyang piyesta ng Bacolod. Sino ba naman ang hindi magnanais makapunta sa isang bansa na kahit saan ka lumingon ay makakakita ng taong nakangiti at maramdaman ang magiliw na pagtanggap. Tayo na’t ipakilala ang Pista ng mga Ngiti.

 

     Ang Masskara Festival o sa tawag na Piyesta ng mga Ngiti ay nagsimula noong 1980. Ang salitang masskara ay hinango sa salitang Ingles na "Mass" na nangangahulugang maraming tao at "Cara", ang Espanyol na salita para sa mukha, na kung pagsasamahin ay nangangahulugang "napakaraming mukha". Ito ay parada ng mga taong nakasuot ng makukulay na damit at maskarang nakangiti.

 

     Sinasalamin nito ang mga Bacoleño bilang masiyahin, magalakin, at palaging nakangiti. Ang okasyong ito ay nagtatampok ng mga kumpetisyon sa palaro, kultural na mga programa, karnabal, paligsahan sa kagandahan at katalinuhan ng mga Bacoleñong dilag at isang mahabang Mardi grass sa kalye kung saan ang mga tao ay sumasayaw sa rito at nagkakasiyahan sa indak at saliw sa iba’t ibang tugtog ng musika.

 

     Sa Bacolod ang may pinaka malaking pinagmumulan ng asukal noon. Kaya naman ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay pagtatanim ng tubo. Noong nalugi at naghirap ang mga Negrense dahil sa pagtigil ng pag-angkat ng asukal ng mga banyaga. Hindi pa sapat ang naganap na krisis at nagkaroon ng panibagong trahedya. Noong Abril 22, 1980, lumubog ang barkong Don Juan at madaming Negrense ang namatay, at dahil sa trahedyang naganap noon naging dibersyon ang Masskara Festival sa mga Negrense upang muling makabangon ang kasaganahan at kasiyahan.

 

     Patunay lamang na ang ating mga ninuno ay may mga kultura at tradisyong ipinamana sa atin na hanggang ngayon ay ating ipinagdiriwang na dapat nating ipagmalaki. Dahil dito ang mga Pilipino ay nagkakaisa katulad nalang ng Masskara Festival, sapagkat kahit anong trahedya o hirap na ating pinagdaraanan tayo ay magpapatuloy at kakayanin ito na may halong ngiti.

Mga Komento